Most wanted drug lord sa Baguio arestado

BUMAGSAK sa kamay ng awtoridad ang isang negosyante na hinihinalang most wanted drug leader sa isinagawang buy bust operation nitong nakalipas na Nobyembre 12, 2012 sa Baguio City.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na suspek na si Arthur S. Nider, Sr., 53 years old, at residente ng no. 132 Sunny Side, Lower Fairview, Baguio City at No. 70 Simsim Compound, Maria Basa, Pacdal, Baguio City.
Ayon kay Cacdac, ang suspek na si Nider ay leader ng kilabot na Nider Drug Group at nasa No. 1 na listahan ng PDEA Regional Order of Battle.
Sinabi pa ng PDEA na nadakip ang suspek na si Nider sa isinagawang buy bust operation matapos pagbilhan ng dalawang gramo ng shabu ang isang nagpangap na poseur buyer ng PDEA na nagkakahalaga ng P 12,000 sa Purok 8, Apugan, Upper Irisan, Baguio City.
Nakumpiska kay Nider ang isang cellular phone, wallet na naglalaman ng ATM cards, marked bills na buy bust money at isang sport utility vehicle.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, na mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
You must be logged in to post a comment Login