Most wanted sa Cebu City kumasa sa parak, utas

TIGOK ang tinaguriang number 1 most wanted na kriminal sa Cebu City nang manlaban sa mga aarestong pulis.

Kinilala ang suspek na si Rodrigo Labitad, 52, na nahaharap sa kasong murder.

Ayon kay PO1 Castor Garcia ng IDMB, nakita si Labitad na nakikipag-inuman sa loob ng bahay ng isang konsehal sa Barangay Pamutan, Cebu City.

Bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas noong Hunyo 9, 1994 ni Regional Trial Court Branch 23 Judge Teofilo Buslot Jr., ay tinungo ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng suspek.

Nang aarestuhin na ay nanlaban umano ang suspek at pinaputukan ang mga pulis hanggang sa magtangkang tumakas.

Nasukol ang suspek kaya napilitan ang mga awtoridad na barilin ito na tinamaan sa kanyang dibdib.

Napag-alaman na matagal na ring pinaghahanap si Labitad na nasa listahan din bilang ika-No. 5 most wanted criminal sa Central Visayas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply