Mosyon ni CGMA sa Morong 43 case, tinabla

gma-4

NABIGO ang kampo ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo na katigan ng hukuman ang inihaing motion for reconsideration kaugnay sa kasong sibil at kriminal sa Morong 43.

Ang motion for reconsideration ay ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 96 dahil walang sapat na batayan upang katigan ng hukuman ang MR ng kampo ni CGMA.

Itinakda ni Presiding Judge Afable Cajigal ang pre-trial ng kaso sa Enero 31, alas-8:30 ng umaga.

Kasabay nito, nagsagawa ng rally sa harap ng QC Hall of Justice ang ilang miyembro ng Morong 43 kasama si Dr. Alexis Montes na umaasang magtutuloy-tuloy ang kaso laban sa dating pangulo.

Nais ng Morong 43 na mapanagot at pagbayarin ng P15 milyong danyos ang akusado.

Kaugnay nito, hiniling naman ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpaliban muna ang mga nakatakdang pagdinig para sa kasong electoral sabotage ni Ginang Arroyo sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Ayon kay Atty. Maria Juana Valeza, hindi na makapupunta sa hukuman ang mga testigo dahil ang iba rito ay madedestino na sa malalayong lalawigan at magiging abala ang mga ito para sa nalalpit na 2013 midterm elections kaya ipinakikiusap nilang i-set sa ibang pagkakataon ang mga araw ng paglilitis.

Batay sa itinakdang court hearing, napagkasunduan na idaraos ang trial proper sa Enero 31,  kasabay ng pre-trial ng Morong 43, Pebrero 7, Marso 7 at Marso 14, 2013.

Ang hirit ng comelec ay labis na tinutulan ng abogado ni Arroyo na si Atty. Benjamin Santos ang hirit ng Comelec.

Ayon kay Santos, malalabag nito ang karapatan ng kaniyang kliyente para sa speedy trial ng kinakaharap na kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply