Motor, bus nagsalpukan, 3 patay

UTAS ang tatlo katao matapos magsalpukan ang isang bus  at motorsiklo sa Barangay Kauswagan, Poblacion Diplahan sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang mga biktima na sina Alexander Salac, 25, nagmamaneho ng motorsiklo, habang ang dalawa pa ay sina Ricky Bulahan at Marlon Calago kapwa sakay ng motorsiklo.

Sa report, tinawid ng mga biktima ang kalsada sa lugar sakay ng kanilang motorsiklo nang banggain ng paparating na bus na minamaneho ni Nicomedes Jaculbe 51.

Napag-alaman na galing sa Zamboanga City ang nasabing bus na nagdadala ng mga pasahero papunta sa Pagadian City.

Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ng ilang metro ang mga biktima at dalawa sa kanila ang dead on the spot.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply