Motor nasalpok ng van, parak utas

bangkay

PATAY ang isang bagitong pulis makaraang masalpok ang sinasakayang motorsiklo ng van na minamaneho rin ng isang pulis sa Butuan City, kagabi (Nobyembre 28).

Batay sa ulat ngayon sa PNP operations center sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si PO1 Rommel Casilagan, 27.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay minamaneho ni Casilagan ang kanyang motorsiklo sa may bahagi ng Km. 2, Baan, Butuan City patungong kanluran nang masalpok ng Kia Carnival na may plakang KED 441 na dala SPO1 Dennis Serano.

Naisugod pa si Casilagan sa Butuan City Medical Center ngunit binawian din ng buhay.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa St. Peter Funeral Homes sa Libertad, Butuan City para sa awtopsiya.

Sasampahan naman si SPO1 Serano ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply