Motor sumemplang; misis na angkas ni mister, utas

KAHIT may suot na helmet, nabasag pa rin ang ulo ng isang ginang matapos sumemplang sa kalsada ang motorsiklong minamaneho ng kanyang mister sa Quezon City Huwebes ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo ang biktimang si Lucia Robelo, 32-anyos habang hindi naman makausap pa ang mister nitong si Francis, 32-anyos dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa isang bisinidad sa southbound lane ng A. Bonifacio Avenue.

Hindi naman malaman pa ang tunay na nangyari pero napansin ng mga rumespondeng rescuer na may buhangin sa kalsada kaya maaaring nadulas ang motorsiklo ng magasawang Robelo.

Hinihinala rin na mahina ang klase ng helmet na suot ng ginang dahil nawasak ito at napinsala ng husto ang ulo ng biktima.

Nakita rin ang 5-meter-long na skid mark sa nasabing lugar.

Sa kabilang dako, tinitingnan din ng awtoridad ang posibilidad na ang mag-asawa ay nasagi ng isa pang behikulo. Ito ang aalamin nila sa pagrebisa sa closed-circuit television camera footage mula sa kalapit na establisimyento.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply