Motorbanca lumubog sa Surigao

LUMUBOG ang likurang bahagi ng isang motorbanca makaraang tamaan ng malakas na alon at hangin bunsod ng nararanasang intertropical convergence zone (ITCZ) sa Surigao City Port kaninang umaga.

Nabatid na may karga ang motorbanca na Gracemarc3 ng asukal, feeds at saku-sakong bigas.

Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente.

Kaugnay ng nararanasang ITCZ, isang malaking puno ang nabuwal sa San Nicolas Street, Surigao City kung saan nadaganan nito ang isang jeep ngunit wala namang nasaktan dahil agad silang nakababa sa sasakyan.

Ito ang itinuturing na pinakamalaking puno sa naturang lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply