Motorcycle rider todas sa hit-and-run sa C5 Libis tunnel

PINANINIWALAANG biktima ng hit-and-run ang isang motorcycle rider matapos matagpuan itong nakahandusay sa mismong C5 Libis tunnel sa Quezon City kaninang madaling araw.

Sinabi ng taxi driver na si Sean Guevarra na nagulat siya nang makita niya ang hindi nakikilalang lalaki na nakabulagta sa C5 Libis tunnel dakong ala 2:30 ng madaling araw.

Labing-limang metro mula, aniya, sa nakahandusay na biktima ay ang isang nakabuwal na motorsiklo na pinaniniwalaang minamaneho nito.

Hindi na niya itinakbo pa sa ospital ang naturang biktima dahil masama ang tama nito sa ulo at wala na rin itong pulso at imbes ay ini-report na lamang niya ang insidente sa kapulisan.

Wala naman ideya pa ang awtoridad kung ano ang tunay na nangyari sa biktima pero malamang na ito ay biktima ng hit and run.

Nangangalap naman ang awtoridad ng mga testigo sa insidente para matukoy ang nagmamaneho ng sasakyan na nakabundol sa motorsiklong sakay ang biktima para mapanagot ito sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply