Motorsiklo sumalpok sa steel railings, 2 patay

PATAY ang dalawa katao matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa steel railings habang binabagtas ang kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte.

Batay sa ulat na nakarating sa Canp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Nelson Tiu, 35-anyos at Reggie Madelo, 23, kapwa residente ng Placer, ng nasabing lalawigan, na parehong namatay sanhi ng tinamong pinsala sa ulo.

Nabatid na naganap ang insidente dakong 3:45 Lunes ng hapon nang bumangga ang minamanehong motrosiklo ni Tiu sa steel railings sa kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang dalawa ay nasa impluwensiya ng alak nang maganap ang malagim na aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply