MRT ‘di sinabotahe – BFP

WALANG nangyaring pananabotahe sa pagkasunog ng isang bagon ng Metro Rail Transit (MRT) 3 noong Sabado ng hapon.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Fire marshall Superintendent Bobby Baruelo, masyadong malabo ang anggulo na sinabotahe ang MRT na pinangangambahan ng marami.

Electrical in nature umano pinagmulan ng sunog at maaaring ang sobrang paggamit ng tren at kabagalan ng bagon nito ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Patuloy naman aniya ang pakikipag-ugnayan ng BFP sa mga technical personnel ng MRT.

Una nang sinabi ni MRT General Manager Al Vitangcol na short circuit sa isang traction motor ang dahilan ng sunog.

Sabado ng hapon nang sumiklab ang apoy sa isang bahagi ng bagon ng MRT bago sumapit sa GMA-Kamuning station.

Agad pinalabas ang mga pasahero at bahagyang nagkagulo nang mag-unahan ang mga ito.

Ilang pasahero ang sugatan gaya ng mga nakilalang sina Susana Perater at Jerome Hidalgo na nagtamo ng mga galos sa paa at braso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply