Mukhang inaalat o minamalas ang ilang negosyo ni MVP

ITO ang lumalabas ngayon sa daigdig ng negosyo matapos umugong ang bali-balitang nangyayari ngayon sa isang negosyong pinasok ni Manny V.Pangilinan dahil umabot na raw kasi sa P9 bilyon ang nailalabas nitong puhunan sa TV5  na nabili nito kay Tonyboy Cojuangco, na jowa pa rin ngayon ni Gretchen Baretto.

Kahit daw ang patok na programa ni Willie Revillame ay hindi rin kayang isalba ang malaking lugi ni MVP dahil hindi sapat ang ipinapasok nitong income para saluhin lahat ang gastos ng naturang tv network.

Binawasan rin daw ng sweldo ang mga kawani ng naturang istasyon lalo’t higit ang may malalaking sweldo dahil ito lamang daw ang paraang para maka-survive pa ang nasabing himpilan.

Malinaw kasi na malaki sa nilagak na kapital ni MVP sa TV5 ay kinain ng mga malalaking artistang kanilang kinuha sa ibang istasyon na hindi naman tinangkilik magmula noong lumabas na sa kanilang himpilan.

Sa maikling salita,magtitiis ngayon ang lahat na mamaluktot sa tv station ni MVP kaysa matuluyan itong mawala sa sirkulasyon ng telebisyon.

Maging ang mga talent din daw sa radio station nito ay binawasan rin ng sweldo dahil kasama ito sa mga paraan para mapanatili ang dalawang negosyo ni MVP.

Bukod sa TV5 na malaki ang kinakaing pera ay malaki rin daw ang lugi ng Philex Mining ni MVP sa nangyaring tagas sa Padcal,Tuba,Benguet

Sabagay ilan lamang iyan sa negosyo ni MVP dahil nandiriyan pa ang Meralco,Smart at Sun Communication,PLDT, NLEX at iba pang pangunahing ospital at pahayagan sa bansa.

Sa ngayon ay patuloy ang ikot ng mundo sa TV5 at iyan ang dapat nating pagdasalan dahil maraming kawani ang umaasa sa istasyon itong ni MVP, na pumaimbulog na rin sa ere at masang Pilipino.

###

Patok nga ba talaga si dating pangulong Erap Estrada sa Maynila?

Lamang daw kasi sa lahat ng survey itong Asiong Salonga laban kay Fred Lim,na kasalukuyang may hawak ngayon ng mando ng lungsod.

Malinaw din daw naman kasi na malakas ang line-up ni Erap laban kay Lim, dahil puro incumbent councilors ang sumama sa dating pangulo ng bansa.

Maging ang negosyante ma-intsik man o ibang nasyon ay Erap daw sa ngayon dahil siya ang lamang sa laban.

Pitong buwan pa ang eleksyon pero mukhang maagang tumataya ang taga-Maynila.

Sila ay sabik sa pagbabago sa lungsod o sabik lamang sa bagong lider ng siyudad?

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply