Multi-milyong assets ng Aman Futures hinahabol na rin

NBI

HINAHABOL na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) maging ang mga multi-milyong assets ng Aman Futures Group Philippines Inc.

Ayon sa NBI maliban sa tinututukan ng kanilang imbestigasyon sa paghahabol sa mga sangkot sa pyramiding scam na nambiktima ng mahigit sa 15,000 indibiduwal sa Visayas at Mindanao, ay kasama na rin ang multi-milyong assets ng kumpanya.

Ito ay matapos na makumpirma ng NBI na maraming pag-aari ang nasabing kumpaya kung saan mayroon umanong anim hanggang walong aircraft.

Napag-alaman din ng NBI na mayroon ding aviation training application ang kumpanya na nakapangalan sa Subic Aman Air na nakabase sa Zambales.

Pinag-aaralan naman ngayon ng ahensya kung sakaling hindi mabawi ng investors ang kanilang inilagak na pera ay posibleng kumpiskahin na lamang ang mga ari-arian ng kumpanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply