Multicab sumalpok sa trak, 3 sugatan

TATLO katao ang sugatan na papunta sanang sementeryo makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang multicab sa isang trak sa may highway ng Sitio Tuktuk Kalaw, Barangay Quiniput east coast ng Zamboanga City kaninang umaga.

Nabatid na bandang alas-9:00 kaninang umaga nang sumalpok ang multicab na minamaneho ni Umbikal Hamja sa isang rumaragsang trak na may karga ng mga putol na kawayan at minamaneho naman ni Jalil Ajilul.

Dahil sa lakas ng impact, napunta sa gilid ng kalsada ang naturang multicab at muntik na ring mahulog sa bangin na may lulan ng 10 katao kabilang na ang ilang menor de edad.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga biktima na kasalukuyang nagpapagaling na lamang.

Habang dinala naman sa istasyon ng pulisya ang mga driver ng dalawang sasakyan at ang iba pang mga sakay nito na nagtamo ng maliliit sa sugat at bugbog sa katawan para sa isasagawang imbestigasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply