Myanmar nilindol ng magnitude 6.6

LIMA ang nasawi makaraang yanigin ng lindol na may magnitude 6.6 ang central Myanmar kaninang umaga.

Bandang alas-7:42 ng umaga nang maitala ang pagyanig  at  naitala ang sentro ng lindol sa layong 117 kilometers sa hilaga ng Mandalay na may lalim lamang na 10 kilometers.

Nabatid na gumuho ang ginagawang tulay sa harap ng Irrawaddy  sa bayan ng Shwebo habang naapektuhan rin ang isang pangunahing gem-mining area sa Mogok at nagkaroon din bitak-bitak ang ilang gusali at mga templo.

Ayon sa U.S. Geological Survey (USGS), naramdaman din ang nabanggit na pagyanig sa karatig-bansa nitong Thailand.

Naitala naman ang 5.0-magnitude na aftershocks matapos ang pagyanig.

Kasalukuyan pa ring inaalam kung gaano kalaki ang pinsalang ng lindol.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply