Na-hijack na Malaysian registered vessel, narekober – PCG

NAREKOBER ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tugboat at barge na na-hijack sa General Santos City may tatlong buwan na ang nakakalipas.

Nasa kustodiya ngayon ng PCG-Gensan ang nasabing mga sasakyang pandagat at hindi pa rin kinukuha ng may-ari .

Ayon sa PCG, wala pa ring nagki-claim sa Malaysian registered vessel at maging sa Department of Foreign Afairs (DFA) ay wala pang nagrereport hinggil sa nawawalang barge at tugboat na umano’y na-hijack.

Nabatid na matapos lumabas sa report na ang hijack na barge at tugboat ay namataan naman ito sa isang shipyard sa Sarangani kung saan ito nakadaong para umano ipaayos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply