Naarestong JI member, todas na

PATAY na ang naarestong pinaniniwalaang miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI) habang sumailalim sa medical treatment makaraang magtamo ng sugat ilang oras matapos arestuhin ng pinagsanib ng puwersa ng AFP at PNP.

Kinumpirma ni Philippine Army 103rd Brigade Commander BGen. Daniel Lucero ang pagkakasawi ni Ustadz Sanusi alias Ishak na nagtamo ng gunshot wound sa katawan.

Nabatid na si Sanusi ay may warrant of arrest at nahaharap sa kasong arson at murder na inisyu ng korte sa Sarangani province.

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang intelligence monitoring ng Philippine Army laban sa mga pinaniniwalaang miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply