Nabitin ang Kimeralds sa US!

MAY mga emails kaming natanggap from far USA para iparating ang kanilang disappointments sa naganap na Kapamilya shows abroad. Partikular na sa mga Kimerald fans na nabitin raw sa exposure ng kanilang iniidolong loveteam, sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Narito ang isang mensahe from ms. Tina E. PIerce witrh email address<kajmc2@yahoo.com>.

Sabi ni Tina, “I should have learned my lessons from the past SM shows in California. My eagerness to see Kimerald loveteam made me watched the recent show at the Shrine Auditorium. And without fail, the show was a HUGE disappointment to me. There was NO Kimerald prod number.

“I don’t understand why Mr. M refuses to give the US-based fans of Kim and Gerald some good entertainment numbers. This is the only time we can see Kim and Gerald together and Star Magic refuses to accept that,” sumbong sa amin.

Well, hindi kya isa itong strategy ng Star Magic para sabikin lalo ang mga fans ng mga artista abroad?

—@@@—

NAG-START na ang siyuting ng Sisterakas, isa sa mga MMFF entries na pagbibidahan ng bigating castings gaya nina Kris Aquino, Ai Ai delas Alas at Vice Ganda. Kung hindi pa makuha ng movie ang top grosser sa darating na filmfest sa December, ewan ko lang!

May nagbanggit sa amin na maganda raw ang iskrip at siguradong maiihi kayo sa katatawa sa bawa’t eksenang magkakasama ang tatlo (Ai-Ai, Kris at Vice).

Kwidaw, may malakas ring entry na pagsasamahan ng mga box office giants na sina Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos at isa ito sa hinuhulaang hahakot ng salapi sa taong ito ng  MMFF.

—@@@—

SAYANG nman si Arron Villaflor at hindi nabigyan ng malaking role sa PHR: Paraiso. Isa lang siyang nursing student na kapatid ni Jessy Mendiola.

Nanghihinayang kami sa kapasidad ng bagets aktor na ‘to dahil nasubukan na rin ang galing nito a pag-arte sa ilang teleseryeng kanyang nilabasan, but it seems parang na-demote pa ito sa Paraiso.

Maybe, supporting role lang ang ibinigay kay Arron dahil priority nito ang kanyang pag-aaral sa Keyser College right now.

Maybe someday, big opportunities will come Arron’s way. With his good looks at acting knowledge, hindi siya pwedeng iitsapuwera na lang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply