Nagmamahadera, pang supporting lang naman!… Yam Concepcion ‘di raw kilala ni Michelle Madrigal

michelle-madrigal

NAMUNDOK ba itong si Michelle Madrigal kasama ng daks na Papang basketer? Sa nakaraang guesting kasi sa sikat na noontime show, nakasabay ni Michelle sa isang production number si Yam, along with Sam Pinto, Bianca King at sikat na boxer na si Brian Viloria. Kinagabihan, nang makita si Michelle ng isang sports writer sa Araneta Coliseum habang nanonood ng PBA games, tinanong siya noong reporter kung ano ang masasabi niya kay Yam at sa launching movie ng alaga ni Ms. Claire dela Fuente na “Rigodon” na humahataw sa takilya ngayon.

Aba! Walang kamukat-mukat na dialogue ng morenang sexy actress. “Sino siya? I don’t know her!” Sabay sabing mas feel niyang pag-usapan na lang ang kanyang lovelife kaysa kay Yam.

Oo naman. Talagang ang type mong topic Michelle ay tungkol sa mga Papa mo na pare-parehong ‘huge’ dahil mahilig ka talaga sa malaki ‘di ba? Saka nagmamahadera ka sa baguhang Sex Goddess na si Yam eh siya may solo movie na samantalang ikaw ang tagal-tagal mo na sa showbiz at dalawang TV networks na ang pinagtrabahuan mo pero hanggang ngayon Teh, pang-support pa rin ang beauty mo.

Kahit nga mga big star walang karapatan na magtaray sa newcomer, tapos ikaw day, na wala pa namang napatutunayan, nagmamaganda na.

Okray gyud!

***

Boy Abunda mamumundok bukas, abangan sa The Bottomline

BILANG selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng award-winning public affairs program ng ABS-CBN na The Bottomline With Boy Abunda, ipalalabas bukas, Sabado (Disyembre 1) ang pag-akyat ng bundok Galalan sa Pangil, Laguna ng 2012 PMPC Best Public Affairs host na si Boy Abunda upang lubusang makilala ang isang natatanging guro na si Filipinas Ginete.

Isang dating madre na 15 taon nang namumundok upang makapagturo sa mga kabataang walang pagkakataong makapag-aral sa kapatagan. Matapos iwan ang kongregasyon nang dalawang beses para maging isang titser, tuklasin mula kay Teacher Ginete ang mga hirap na kanyang pinagdaraanan upang maisakatuparan lamang ang kanyang personal na misyon na mabahaginan ng edukasyon ang mga batang Pilipino.

Ano ang pinakamasarap na bahagi ng pagtuturo? Bakit nga ba niya ipinagpalit ang bokasyon niya bilang madre para sa kanyang misyon bilang isang guro? Sa gitna ng kanyang mga paghihirap sa pag-akyat ng bundok para sa kanyang propesyon, pinangarap ba ni Teacher Ginete na bumuo ng sarili niyang pamilya?

Huwag palampasin ang kwento ni Teacher Filipinas sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng 2012 PMPC Best Public Affairs Program na The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sabado, 11:30 ng gabi pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply