Misis, lover huli ni mister sa sex act

crime7

IPINAKULONG agad ng isang karpintero ang kanyang sariling asawa nang mahuli niyang katalik ang kalaguyo nitong security guard sa loob pa ng kanilang bahay sa General Santos City, kaninang madaling araw.

Nakakulong na ngayon at nahaharap sa kasong adultery ang ginang na itinago sa pangalan na Lily, 33-anyos, isang canning factory worker habang sasampahan naman ng kasong concubinage ang sekyung si Cadioso Kamarador, 42-anyos.

Natuklasan ang paglalaro ng apoy ng magkalaguyo dakong alas-12:30 ng madaling araw sa mismong boarding house ng ginang sa Barangay Tambler, General Santos.

Bago ito, nais sorpresahin ng complainant na si Maximo ang kanyang misis kaya biglaan ang pag-uwi nito mula sa halos isang buwan na pagkakadestino sa isang construction site sa ibang probinsya.

Pero sa halip na makasorpresa, si Maximo ang nasorpresa dahil naaktuhan niyang nagtatalik ang kanyang misis at kalaguyo nito sa loob pa ng kanilang sariling kuwarto.

Imbes pagsalitaan at saktan, humingi ng tulong si Maximo sa kanilang mga barangay tanod para ipadampot ang magkalaguyo.

Sa kabila nito, pinatawad ni Maximo ang kanyang asawa pero tuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso laban dito at sa kalaguyo nito.

Sinasabi rin na panay pa ang yakapan ng mag-asawa sa pagitan ng rehas na bakal na parang walang nangyari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply