Nagsolo na lang sa condo kesa makisama sa asawang adik

it's-a-secret

NILAYASAN na pala ng aktres ang mister na adik. Nakatira raw ito ngayon sa isang condo unit sa Quezon City. Hindi na raw kasi nito matiis ang masamang bisyo ng kanyang dyowa. Oo nga’t mayaman ang asawa niya pero hindi naman siya binibigyan ng pera. Kinakailangan pa niyang mangutang sa kapatid para lamang makahawak ng kwarta.

At para mabuhay, kahit indie film na barya-barya lang ang kanyang kinikita ay pinatos na niya. Pero mali ang kanyang desisyon na magpakita ng kanyang mga singit-singit dahil hindi naman ito big movie at hindi rin big ang kanyang talent fee. Sinex film? Hehehe!

***

Nakatulog ang mga nanood ng comedy film

FIRST time kaming nakatulog sa isang comedy movie. Nangyari ito sa isang premiere night. Infairness, puno ang sinehan. Pero ang mga natatawa at nagre-react sa mga eksena ay sasampu lang.

‘Yung sandamakmak na nanonood ay tahimik at hitsurang heavy drama ang kanilang tinututukan. Nang iikot namin ang aming paningin, ang iba’y naghihilik na.

Sa totoo, pinilit naming tutukan ang palabas dahil ang laki ng expectation namin sa mga bida. Pero very disappointing ang proyektong ginawa nila. Sobra ito sa ingay kulang naman sa patawa. Bakyang-bakya. Ang corny.

Marami namang magagaling na direktor, bakit yung pinaglumaan at wala na sa ayos ang kinuha nila? Sayang lang ang pag-appear ng iba’t ibang artista, wala namang effect. ‘Yun namang isang komedyana na laos na, imbes na matawa sa kanya mga tao, nakukunsumi lang dahil hindi naman bagay sa kanya ang nagsasalita ng english.

Sayang, may talent pa naman sana ang mga bida.

***

Carlo at Joem mga bading!

MAGKARELASYON na susubukin ng sakit na AIDS (acquired immune deficiency syndrome) ang bibigyang buhay nina Carlo Aquino at Joem Bascon sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Disyembre 1).

Gagampanan nila ang mga karakter nina Kevin (Carlo) at Alan (Joem), kapwa bisexual na nagsimula ang ugnayan sa isang casual sex na kalaunan ay humantong sa isang malalim na pagmamahalang punong-puno ng ligaya. Ngunit mababago ang takbo ng buhay ng dalawa nang matuklasan nilang may AIDS si Kevin na nakuha nito sa ‘raket’ niya kasama ang mga kliyente sa gym na pinagtatrabahuhan.

Anong gagawin ni Alan sa sandaling malaman niya na nahawaan siya ni Kevin ng isang nakamamatay na sakit? Sisirain ba ng isang karamdaman ang isang relasyong pilit ipinaglaban sa lahat?

Makakasama nina Carlo at Joem sa kanilang heavy drama “MMK” episode sina Bodjie Pascua, Chanda Romero, Toby Alejar, Roeder Camañag, Laiza Comia, Kyra Custodio, Miguel Morales, at Leo Rialp. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan Del Rosario, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Nuel C. Naval.

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply