Naiiba at de kalidad talaga!

el-presidente

NAPANOOD namin ang trailer ng “El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story at unang Philippine Republic, na isa na namang pambato sa MMFF ni Gov. ER Ejercito.

Kung humakot ng award ang Asiong Salonga, tiyak hahakot rin ito lalo na’t mahuhusay na artista ang kasama ni Gov. ER na sina Christopher De Leon, Cristine Reyes, Baron Geisler, William Martinez, Dennis Padilla, Roi Vinzon, Troy Montero, Jerico Ejercito at Cesar Montano at may cameo role si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito at si Julia na kanilang anak. Mula ito sa direksyon ni Mark Meiley at produced by Scenema Concept.

Sa totoo, namangha kami sa ganda ng pelikula na halatang talagang pinagkagastusan ang El Presidente mula sa extra, umabot nang isang daan halos ang nabigyan ng trabaho sa Movie Industry. Ngayon palang puspusan na ang ginagawang pag-aasikaso at ipinakita sa ‘min ni Ma’am Myleen ang still photo at poster na inaaprubahan ni ER. Namimili siya kung ano ang gagamitin sa sinehan at billboards. Meron pa ngang dalawang araw na shooting ang movie na kailangan nilang matapos dahil may deadline ang mga kasali sa MMFF.

***

NAKAUSAP namin si Direk Maryo J. Delos Reyes sa 4th floor ng GMA7 at sinabi niyang malapit na silang mag-taping sa pinalit sa HARAM. Binago ang istorya ng gagawing teleserye pero hindi binago ang artista rito si DingDong Dantes, Kyllie Padilla, Ms. Lorna Tolentino, at Christopher De Leon. Kakaiba ang kwento ng teleserye na magkakaroon ng kissing scene si Dingdong Dantes kay Lorna Tolentino. Kakaiba sa ibang teleseryeng napanonood ninyo kaya pakaabangan.

Baka raw matuloy ang pelikulang gagawin ni Direk Maryo sa Regal Films, ang unang pagtatambal nina Marian Rivera at Coco Martin. Ayos na raw ang lahat, ultimong casting, working script, pati location pero na-shelve bigla ito. Excited pa naman si Marian lalo na’t first time nilang magsasama sana ni Coco Martin pero biglang nagkaroon ng problema na si Coco ang naging dahilan nang pagkahinto ng shooting ng movie. Nahihirapan na rin raw si Mother Lily na maiskedyul uli ang dalawa niyang lead actors dahil pareho silang busy sa ginagawa nilang projects sa telebisyon.

Nakatutok ngayon ang atensyon ni Drek Maryo J sa kanyang teleserye sa GMA7. Gayunpaman, nagpasalamat ito sa mga nanood ng show ng Masculados Dekada sa Library more than a week ago.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply