Naka-impound na behikulo isusubasta ng MMDA

impounding-area

ISUSUBASTA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga nakaimbak na sasakyan na hindi kinukuha sa impounding area.

Ang hakbang ng MMDA ay upang makadagdag sa kinokolektang buwis ng pamahalaan at malinis ang impounding area.

Ang panukala ng MMDA ay ipinahayag sa regular meeting ng Metro Manila Council (MMC).

“The maintenance and custody of unredeemed vehicles have been causing unnecessary expenses to the MMDA, hence the Metro Manila Council recognizes the need to dispose these vehicles in order to recover said expenses,” ito ang mungkani ng MMDA sa isang resolution.

Batay sa nilalaman ng resolusyon, kinakailangan munang maabisuhan sa pamamagitan ng registed mail ang may-ari ng sasakyan para sa hindi kinukuhang behikulo sa imponding area at may return card.

Batay sa notice ng MMDA, ang mga may-ari ay binibigyan na pagkakataong mabawi ang kanilang sasakyan sa pamamagitan ng paglahok sa subasta.

Ang action committee ay kinabibilangan ng MMDA assistant general manager for operations, assistant general manager for finance and administration at ng director ng legal service na mangngasiwa sa subasta na gaganapin tuwing unang araw ng Lunes ng bawat buwan.

Ang magwawaging bidder ay kinakailangan iuwi o dalhin ang behikulo sa labas ng MMDA imponding area sa loob ng pitong araw.

Ang mga sinubastang sasakyan na hindi ilalabas ng imponding area ay ikokonsiderang null and void at ang salaping ibinayad dito ay idedeklarang forfeited.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply