Nakakita ng star dahil kay papa!

blind item

MABAIT ang entertainment writer na ito, masayahin at palakaibigan kaya maraming nagsasabing napaka-lovable niya. May grupo ang writer na ito na mahihilig sa nightlife dahil mahihilig rin silang kumanta. In fairness, may mga boses rin naman.

Hindi lamang pag-awit ang pakay ng grupong ito kundi kasama na rin ang pag-spot ng mga poging hombre na mahihilig rin uminom at kumanta sa watering hole nilang sing-along bar.

One time, naimbitahan ang bida sa ating story sa malayong probinsiya sa norte upang mag-judge sa isang contest ng pagandahan panglalaki at bingo! may natipuhan siya na contestant na talunan. Inalok niya itong maging talent niya at gagawing artista with matching dialogue na, “I’ll make you a big star!” na kanyang showbiz battle cry. In fairness, gwapo naman, may maganda ring pangangatawan at merong height na standard para sa isang ac- tion star.

Sa madaling sabi, join ang ombaw. Kinabukasan, paluwas na sila ng Manila at pinayagan naman ng magulang ng na- sabing mhin.

Pagdating na pagdating palang, proud mary na ang drama ng writer sa kanyang katropa about his discovery. Kinagabihan, nagkita-kits uli sila sa kanilang watering hole. Nainggit ang mga bayota sa kanilang nakita na gwapo at ang usapan, walang sulutan ng alaga.

Karay-karay ng ating bida ang kanyang discovery sa lahat ng showbiz sosyalan o gimikan para i-display lamang. Nakahalata ang bagets na wah project na naihahatag sa kanya. Saabi niya, “Tito, kailan ako magkakaroon ng pelikula dahil matagal na ako wala naman akong naririnig sa’yo tungkol sapag-aartista ko.”

Napikon itong ating bida at tinalak-talakan niya ang pobreng ombaw at sa galit nito, pinakawalan niya ang mala-Pacquiao na kamao.

O, ngayon, ikaw naman ang nakakita ng big star na sinasabi mo. Hahaha!

-o-

NAGBALIK na sa pelikula ang maganda pa ring aktres na si Kristel Romero. Natapos na ang kanilang shooting sa isang Indie Film Production na ang pamagat ay “Ikaw Na” na pinagbibidahan nina Alan Paule at Janine Desiderio, kasam rin si Cherrylou, Alvin Aveur,at Manding Josef sa direksiyon ni Arnold Argano. Nasa cast rin si Kristel ng Mayor Alfredo Lim Story na pinagbibidahan ni Cesar Montano na siya rin ang director.

Si Kristel ay kapanabayan nina Isadora, Jaclyn Jose, Tanya Gomez, Lovely Rivero, Karla Kalua, at Rachel Ann Wolfe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply