Bilang ng kaso ng kidnapping sa bansa ipinasisiyasat

kidnap

ISINUSULONG ngayon ng dalawang mambabatas ang pagpapaimbestiga sa anila’y nakalilitong datos ng insidente ng kidnapping sa bansa.

Nakasaad sa House Resolution No. 2863 na inihain nina Reps. Rufus Rodriguez (2nd district,Cagayan) at Maximo Rodriguez (Abante Mindanao) na kumilos ang House Committee on Public Order and Safety upang alamin ang tunay na crime situation sa buong bansa partikular na ang dami ng mga insidente ng kidnapping.

Nalilito na anila ang mga mambabatas sa inilalabas na datos ng krimen lalo na ng kidnapping mula sa mga ulat na nanggagaling sa Philippine National Police (PNP) at Crime Watch group na Movement for the Resolution of Peace and Order nina Teresita Ang See.

Sa pinakahuling datos ng PNP-Anti Kidnapping Group, lumalabas na nasa pito na lamang ang kumpirmadong kidnapping incident sa nagdaang kalahating taon.

Ngunit sa listahan ng grupo nina Ang See, 16 na ang nangyayaring kidnapping mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.

Bukod pa dito ang hiwalay na mga ulat na nagsasabing nasa 41 na ang kidnapping incidents subalit nilinaw ng PNP na hindi pa ito kumpirmado.

Paliwanag ng mga mambabatas na hindi malalapatan ng tamang solusyon ang ganitong mabigat na problema sa krimen kung hindi haharapin ng gobyerno ang tunay na sitwasyon nito kung ida-downplay pa ang bilang ng insidente ng kidnapping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply