Trak sinalpok ng kotse sa Isabela; 8 sugatan

emergency-2

NILALAPATAN ngayon ng lunas sa ospital sa Cauayan City ang walo katao na nasugatan matapos sumalpok ang isang Mitsubishi Adventure sa isang nakaparadang forward truck sa gilid ng national highway sa Del Pilar, Alicia, Isabela, Biyernes ng alas-4:00 ng madaling araw.

Naipit sa harapan ng sasakyan ang tsuper na si Henry Mendoza habang nawalan ng malay ang ilan sa mga pasahero dahil sa lakas ng impact ng pagsalpok sa nakaparadang sasakyan.

Ang mga biktima ay galing sa Calinagan Sur, Sto. Tomas, Isabela at patungo sa Antipolo City para dumalo sa kasal ng kanilang kamag-anak nang mangyari ang aksidente.

Ang isa sa mga sakay ng Mitsubishi na si Gng. Nery Mendoza ay mapalad na hindi nasugatan.

Sinabi ni Mendoza, patungo sila sa Antipolo City para daluhan ang kasal ng kanyang anak.

Nasilaw umano ang driver ng Adventure na si Henry Hendoza sa kasalubong na sasakyan na naka-bright kaya umiwas siya ngunit sumalpok ang minamanehong sasakyan sa nakaparadang truck na nasiraan sa daan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply