Nakatakas na kawatan nasabat sa checkpoint, tigok

Update: RIZAL – Patay rin ang dalawang suspek na tumakas habang nasa kasagsagan ng barilan sa pagitan ng Tanay PNP at mga kasamahan nitong kawatan ng panabong na manok nang maharang sa isang checkpoint na inilatag naman ng Morong PNP kaninang madaling araw.

Sa ulat ni Morong PNP chief P/Sr. Insp. Amado Estrella kay rizal PNP director P/Sr. Supt. Rolando Anduyan, naganap ang engkuwentro sa pagitan ng alas-3:30 hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Manila East Road.

Nabatid na kaagad na nagsagawa ng checkpoint ang grupo ni Sr. Insp. Estrella matapos na makatanggap ng utos mula sa punong tanggapan ng Rizal PNP kaugnay ng nagaganap na engkuwentro.

Nauna rito nagkaroon ng sagupaan sa kahabaan ng Manila East road, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, kung saan ay napatay ang tatlong kasamahan ng mga suspek.

Agad ring naitawag ng Tanay PNP ang pagtakas ng mga suspek sakay ng isang itim na motorsiklo na walang plaka at nai alarma sa lahat ng istasyon ng pulisya sa lalawigan.

Ayon pa sa ulat, tinangkang lumusot ng mga suspek sa nakalatag na checkpoint kung kayat nagpapaputok ang back rider nito kung kayat hindi na nila binigyan nang pagkakataon ang mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply