Nakaw na motorsiklo naibenta sa mismong may-ari, carnapper tiklo

behind-bars-4

KULONG ang isang carnapper matapos madakip sa isinagawang entrapment operation nang maalok ang may-ari ng ninakaw na motorsiklo  sa Navotas kagabi, Nobyembre 27.

Nakilala ang suspek na si Reggie Cayetano, 19, ng Tangos ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Sayson Genova, nasa hustong gulang at kalugar ng suspek, tatlong araw nang nawawala habang nakaparada sa kanilang bakuran ang kanyang Suzuki motorsiklo hanggang sa may mag-alok na may binebentang motorsiklo sa halagang P9,000.

Kinutuban ang biktima at agad na humingi ng tulong sa mga pulis na naging dahilan upang magsagawa ng entrapment sa C-3 road ng lungsod.

Pagdating ng suspek dala ang motorsiklo ay agad na dinakip at dinala sa presinto.

Gipit lang umano sa pera ang suspek kung kaya nagawang tangayin ang motorsiklo ng biktima subalit hindi niya inaasahan na ang huli ang aalukin upang bentahan ng kaibigan na nagsilbing ahente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply