Nami-miss si Joshua pero okay naman kay Derrick!

barbie-forteza

BAGAMAT hindi napanalunan ni Derrick Monasterio ang Best New Artist ng Aliw Awards ay happy na rin siya. Nag-iisa kasi siyang lalaki na na-nominate. At least napansin ng Aliw ang pagiging singer niya at balak na niyang seryosohin ito ngayon at gumawa ng album.

“Baka January po mag-recording na po ako,” sey ng bagets.

Ire-request rin niya sa kanyang album producer na magkaroon sila ng duet ng kanyang leading lady sa seryeng Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa na si Barbie Forteza.

“Open ako na magkaroon kami ng duet sa album ko. Kung mapakikinggan n’yo ngayon si Barbie, nag-improve na ang boses niya,” sambit pa niya.

Komportable na raw siya ngayon na katambal si Barbie at hindi na siya naiilang. Naiilabas na raw nila ang totoong sila.

Marami nga ang nagsasabi na mas bumait ngayon si Barbie nang si Derick na ang ka-partner niya kumpara nu’ng si Joshua Dionisio pa ang katambal niya.

“Malambing at masarap alagaan si Barbie,” deklara pa ni Derick.

Nagbigay rin ng statement si Derrick sa hindi niya pagkakatuloy na makasama sa pelikulang “Sossy Problems” na pagtatambalan rin sana nila ni Barbie at napunta kay Kristoffer Martin.

Sey niya, nagkaroon raw kasi ng misunderstanding sa negosasyon sa kampo niya kaya hindi siya natuloy sa pelikula. Ayaw na nga lang mag-elaborate pa tungkol rito ni Derrick.

Ipinagtanggol niya ang ka-loveteam dahil mali ang mga alegasyon na mayabang ito, maldita at suplada.

Hindi raw plastic si Barbie at prangka ito. Mabait raw ang young actress at baka misunderstood lang.

Anyway, si Derrick ay isang modelo ng mga kabataan dahil Youth Ambassador ito ng National Youth Commission. Umiikot siya sa Pilipinas at laging sinasabi sa mga kabataan na bawal magdroga.

Yeah ba!

-0o0-

Happy si Barbie Forteza sa loveteam nila ni Derrick Monasterio.

“SO FAR, okey naman ang mga feedbacks mula sa fans. Satisfied naman sila sa resulta ng loveteam namin ni Derrick. Nakatutuwa kasi kahit second team-up pa lang namin ni Derrick, mas focus ngayon sa amin ‘yung istorya,” sey ng bida ng Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Ano ang adjustment niya pagkatapos manggaling sa tandem nila ni Joshua Dionisio?

“Kung sa pakikipag-bond kay Derrick, wala na e, kasi matagal na kaming nagkasama sa ‘Tween Hearts’. Pero pagdating sa mga kilig-kilig scenes, medyo nailang ako nu’ng una sa ‘Luna Blanca’ pero habang tumagal, okey na rin. Mabilis naman kasing pakisamahan si Derrick kasi masaya naman siyang kasama,” sambit pa ng dalaga.

Nami-miss ba niya si Joshua?

“Opo. Hindi naman mawawala ‘yun kasi matagal rin naman naming nakasama si Joshua pero masayang-masaya naman pong kasama si Derrick, super kuwela lang,” aniya pa.

Nanliligaw na ba si Derrick?

“Hindi,” mabilis niyang sagot.

Paano kung manligaw?

“Saka na lang pag nanligaw. Ngayon parang…,” sagot niya sabay tawa…

Nai-imagine ba niya na baka balang araw maging boyfriend niya si Derrick?

“Hindi ko pa naman nai-imagine ‘yun na maging mag-boyfriend kami kasi para sa akin, hindi naman kailangang magkaroon ng relasyon ang magka-loveteam para lang mag-work, di ba?”

Ano ang feeling na ipinatatanggol siya ni Derrick sa isyung maldita, mayabang at suplada siya?

“Nagulat nga po ako kay Derrick kasi nabasa ko ‘yun. Kahit alam ko naman kung ano ‘yung totoo, masarap pa rin ‘yung feeling na may nagdedepensa sa iyo. Kasi madalas, dinededma ko lang, e! Ngayon lang talaga merong nagtanggol sa akin kaya ang saya sa pakiramdam na alam mong meron kang knight in shining armor. Talbog! Hahaha!,” sey pa niya.

Good karma ka raw kesa kay Bea?

“Hindi, tsamba, tsamba lang!”

Ano naman ang comment niya na siya ang unang bet ni Atty. Ferdinand Topacio bago kay Bea?

“Nakakaloka si Atty. Hahaha! Kilala naman po nating lahat siya. Pumi-PBB teens si Atty. Hahaha! Hindi kasi parang nag-show for a cause ako sa Zirkoh at isa po siya sa mga nag-organize ata. Actually, nu’ng time na yun, sabi may ipapakilala sa akin, sabi ko sige po. Namukhaan ko talaga siya kasi kapapanood ko lang sa kanya sa news nu’ng araw na ‘yun. Siya ba talaga ‘yun? Copy-paste. Nakita ko agad sa personal. Nakatutuwa naman kasi kahit ganon ka-busy na attorney, may time pa na manood ng TV. Maraming iba riyan na pasosyal, ay hindi kami nanonood ng TV, okey. Pero after ng Zirkoh, hindi na kami nagkita. Wala na kaming communication ever since,” reaksyon pa niya.

Hanggang ngayon, hindi mamatay-matay ang rivalry at comparison nila ni Bea?

“Wala, paulit-ulit kasi. Hindi rin ako mapapagod sa pagsasabing walang conflict sa amin ni Bea talaga. Siguro kasi nga, kami ‘yung magka-batch. Parehas kami ng pinanggalingang show tapos ngayon magkahiwalay na kami. Hindi na po siguro maiwasan ‘yung comparison.”

Anyway, may filmfest entry si Barbie. Kasama siya sa Sossy Problems with Rhian Ramos, Kristoffer Martin. Bago matapos ang taon o next year, gusto na ring magkaroon ng album ni Barbie.

Gusto ba niyang may duet sila ni Derrick?

“Oo naman, choosy pa ba ako, e, siya ‘yung magaling kumanta? Pero mas maganda kung lahat ng Tweens para masaya. ‘Yung isang kanta na sama-sama kami at masaya lang,” pahayag pa niya.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply