Nanaksak sa Antipolo, tiklo sa bagansiya sa Cainta

RIZAL – Hindi rin nakaligtas sa kamay ng batas ang isang lalake na naghasik ng karahasan sa Antipolo City nang aksidenteng madakip ito ng mga nagpapatrulyang pulis at barangay tanod kagabi sa bayan ng Cainta.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Rolando Anduyan ang suspek na sina Reynante Nolsol, 32 anyos, may asawa at Dindo Marano, 37 anyos, parehong construction worker at rersidente ng Sitio Majayhay, Brgy. Muntindilao, Antipolo City.

Ang mga suspek ay naaresto dakong ala-1:40 ng madaling araw sa Camden st., cor. Saint Jude st., Brookside subd. Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa nang patrolya ang grupo ng pulis at barangay tanod nang mapansin ang dalawang suspek sa madilim na bahagi ng Camden st., kung kaya’t kanila itong sinita.

Nagtangkang tumakbo ang mga suspek subalit kaagad na nasakote at narekober mula sa kanilang pag-iingat ang dalawang bala ng 12 gauge shotgun, 7 bala ng pana at isang patalim.

Nauna rito, dakong alas-11:00 ng gabi nang masangkot sa pananaksak ang suspek na si Reynante kasama ang nakakatandang kapatid na si Juan, 37 anyos sa kanilang lugar kung saan ang biktima ay ang kanilang kapit bahay na si Johny Dapitillo,27 anyos, may asawa.

Nabatid parehong lango sa alak ang magkapatid nang sugurin si Depitilla at pinagsasaksak bago nagsitakas dala ang patalim na ginamit sa krimen.

Ang biktima ay nakaratay ngayon sa Amang Rodriguez Medical Center habang ang si Reynate ay nakakulong sa Cainta Lock-up jail at pinaghahanap naman ang kapatid nitong si Juan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply