Nanggahasa sa paslit sa Las Piñas, arestado

NAARESTO ngayon ng mga tauhan ng Las Piñas City Police ang isang tindero na nanghalay sa isang siyam (9) na taong gulang na bata kapalit ng P100 sa Las Pinas City.

Kinilala ang suspek na si Antonio Nillos, 48, residente ng Block 3, Lot 13, Casimiro Townhomes, Saint Joseph St., Pulang Lupa 2, ng naturang lungsod.

Batay sa sumbong ng grade 2 pupil sa kanyang ina, nitong nakaraan Miyerkules, dakong alas-10:00 ng umaga, dinala siya ng suspek sa isang bankante at madamong lugar sa Casimiro Townhomes, Pulan Lupa 2.

Paulit-ulit umano siyang pinagsamatalahan ng suspek kahit patuloy siyang nanlalaban at humihingi ng awa sa suspek.

Matapos ang panggagahasa, pinagbantaan umano siya ng suspek na papatayin kung magsusumbong sa magulang at inabutan siya ng halagang P100 bago siya iniwanan sa damuhan.

Ang insidente ay ipinaalam ng bata sa magulang at nadakip ang supek ng mga opisyal ng barangay at dinala sa himpilan ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply