Nanghihinayang magbayad sa hardinero… Bakuran ng veteran actress gubat na!

blind-item

ANG daming lupain at paupahan ang veteran actress na ‘to pero madalas ay wala siyang kasambahay dahil hindi nagtatagal ang mga ito.

Masama kasi ang kanyang ugali at super kuring pa. Kung mapapansin ang bahay nito ay puro alikabok na, sandamakmak ang labahan, may mga halaman pero mas lamang ang damong tumutubo sa paligid nito kaya ang kabuuan ng kanyang bakuran ay para nang gubat. Ayaw naman nitong kumuha ng hardinero dahil nanghihinayang magbayad.

May kamag-anak itong kandidato sa isang mataas na position ngayong 2013 elections pero ni isang kusing daw ay hindi siya mag-aabot ng tulong dahil siguradong matatalo lang daw ito at sayang lang ang datung niya. Mabuti pa ang ibang tao kandarapa sa pagsuporta sa kanyang kadugo.

***

Afternoon show ng TV5 guguluhin ni Willie

DELIKADO na namang magugulo ang timeslot ng mga panghapong programa ng TV5 sakaling mapunta sa noontime show si Willie Revillame.

Tiyak na magkakaletse-letse na naman ang schedule ng kanilang mga oras lalo na’t todo effort ang gagawin nitong komedyanteng host dahil matindi ang kompetisyong kahaharapin niya.

Harinawa sa paglipat ni Willie nang oras ay pumasok na sa kanyang konsensiya ang piniperwisyo niyang ibang talent dahil sa walang habas niyang pagnanakaw sa oras ng mga programa nila.

Anyway, ayon sa isang executive ng ABS CBN, isang malaking “No way!” ang sagot nito sa tsismis na kumakalat na kesyo babalik sa kanilang bakuran nag nasabing host. Hindi-hindi na raw nila ito tatanggapin kahit ano pa ang mangyari.

***

Imelda Papin delikadong masipa sa eleksyon

SI IMELDA Papin daw ang taong may pinakamaraming address. Mula ibang bansa hanggang sa Pilipinas ay may tirahan ito. Good for her.

At least marami siyang pag-aari. At kapag oras ng eleksiyon ay nagagamit niya ang mga ito kung saan niya gustong tumakbo.

Sa Camarines Sur ay hindi siya pinagtakhang kumandidato roon at nanalong bise gobernador noon dahil tagaroon talaga siya. Kaya lang nang matalo siya bilang gobernador ay bumalik dito sa Metro Manila at nanirahan sa Quezon city. Tumakbo kaya siya sa Kyusi noon?

Pero ang mga taga-Bulacan partikular ang mga taga San Jose Del Monte city ay nagtataka kung bakit siya tatakbo roon bilang congresswoman gayong ang tatlong palapag na gusaling ibinigay nito na tirahan daw niya ay wala namang nakatira.

Kaya nga napabubuntung-hininga na lang ang makatutunggali nitong si Rep. Arthur Robes, ang tunay na Bulakenyo at nasa kanyang huling termino na sa kongreso.

Aniya, ano man ang isyu kay Imelda, nasa Comelec na yun. Basta siya ay nakatutok sa kanyang constituents at sa mga pangangailangan ng mga ito.

Gusto niyang tapusin ang kanyang termino para tuloy-tuloy ang kanyang serbisyo.

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.       

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply