Napunta sa papel ang milyong dolyar na kinita ng OFW para sa bayan

hilda ong opinion

IPINAGBAWAL ang plastic at maging ang styrofore ay ipinagbawal din.

Ang sabi ng kinauukulan, upang mabawasan ang basura na nililikha araw-araw ng tao.

Dahil sa kaisipang ito, ang ipinasya ay ang paggamit na lang ng mga supot, baso at sisidlan na gawa sa papel.

‘Di ba naiisip ng mga may suhestiyon at may gawa ng mga bagay na ito, na mas lalong lumalala ang basura sapagkat kagaya ng plastic ang papel ay basura pa rin. Kapag marami ng bulto ng papel ang natipon at bumara sa mga kanal at estero tiyak na pagbaha pa rin ang kinhaharap natin.

Ayon kay Secretary Ramon JP Paje ng Department of Environment and Natural Resources  (DENR), lahat ng bagay na may kinalaman sa plastic ay magiging maayos, kung aalisin ng bawat isa sa atin ang katigasan ng ulo at kawalan ng disiplina sa paraan ng pagtatapon ng basura.

Mas malaki ang nawawala sa atin kapag tayo ay umaangkat ng materyales para sa papel.

Milyong dolyar ang ating nagagasta. Doon lamang sa pag-angkat ng papel napupunta ang  pinaghihirapan ng mga OFW sa mga kinita nilang dolyar na unti-unting iniipon ng pamahalaan at pagkatapos ay mawawala rin dahil ginagamit sa pag-import natin ng mga materyales para sa produktong papel na pamalit sa plastik.

Sa madaling salita, kung patuloy tayong gagastos para sa materyales sa pag-gawa ng papel, wala ring saysay ang programang tuluyang pag-aalis ng plastik para gamitin ng mamamayan ang papel, kung sa ibang aspeto naman tayo mahihirapan, samantalang ang plastic ay nariyan na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply