Nasamsam na P50-M shabu itinanggi ng Fil-Am

MARIING itinanggi ng Filipino-American na si Kevin Bryan Hills na sa kanya ang mga nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon, ng Philippine National Police Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) noong nakalipas na Nobyerno 20.

Nilinaw ni Hills sa kanyang inihaing counter-affidavit na nagkamali ng target ang PNP-AIDSOTF dahil ang tunay na target aniya ay isang “Phil” at hindi siya.

Taliwas din aniya sa iginigiit ng pulisya, nilinaw nito na walang naganap na test buy sa pagitan niya at ng AIDSOTF noong November 7, alas-9:00 ng gabi.

Kaugnay nito, binanggit ng counsel ni Hills na si Atty. Raymond Palad na noong November 7, sa pagitan ng alas-7:00 ng gabi hanggang alas-11:00 ng gabi ay nasa isang restaurant si Hills sa Baclaran kasama ang kanyang mga kamag-anak.

Sinabi rin ni Hills na ang Pajero na nakarehistro sa NAPOCOR ay hindi sa kanya at hindi rin niya alam kung paano napunta ito sa 5th floor parking lot ng Column Tower 2.

Una rito, ay napabalitang ang nasabing Pajero ay ipinahiram umano ng Napocor kay Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo noong 2008 na ipinagamit naman umano sa isang staff ng kongresista na nagngangalang Atty. Antonio Mariano Almeda.

Kaugnay nito, nagsagawa naman ng occular inspection si Prosecution Atty. Ana Doreen Devanadera, ang may hawak sa kaso sa nasabing Pajero na dinala sa DOJ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply