National bowlers nagpasiklab sa Open championships

KINAKARIR ng mga national bowlers ang 41st PBC-PSC-POC Open championships na ginaganap sa SM Lanes ng Mall of Asia.

Nakapukaw ng atensyon sa mga bowlers sina national campaigners Kenneth Chua at Liza Del Rosario sa Class O singles nang magpagulong ng 1497 at 1342 sa men’s at ladies’ divisions ayon sa pagkakasunod.

Nagsanib puwersa naman sina Chua at kapwa national bowler Frederick Ong upang ilistaang 981 pinfalls at simulan ang 1-2-3 Philippine team finish sa Class O men’s doubles event.

Umariba si Chua ng dalawang 257 para sa 514pinfalls habang nakaipon si Ong ng 467 (192-275) upang lumayo kina Kenneth Piedad at Jeremy Posadas (863) at sa tandem nina Jong Enriquez at Posadas (859).

Nagpasiklab din sina Mades Arles at Lara Posadas nang kunin nila ang 871 para pamunuan ang ladies’ Class O doubles.

Nagsipanalo rin sina Richie Poblete, Jonas Baltasar at Enzo Hernandez at miyembro ng Philippine team na sina del Rosario, Krizziah Tabora at Rachelle Leon sa Class O men’s at ladies’ trios.

Namayani naman beteranong si Enriquez at Mades Arles sa Class O men’s at ladies’ all-events matapos bumato ng 2135 at 2146 pinfalls.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply