Natitirang suspect sa Maguindanao massacre sumisilong sa MILF

SUMISILONG sa baluwarte ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ilan sa nakakalaya pang suspect sa Maguindanao massacre.

Sa isang press conference para sa ikatlong komemorasyon ng Maguindanao massacre sa Nobyembre 23, sinabi ni Task Force commander Keith Singian na kaya sila nahihirapan na mahuli ang natitira pang suspect sa naturang masaker ay sapagkat may  confirmed reports na ang ilan sa mga at-large suspects ay nagtatago sa baluwarte ng MILF.

Gayunman, patuloy nilang inaalam kung may katotohanan din na ang mga nasabing massacre suspect na nakakalaya pa rin hanggang ngayon ay sumanib na sa MILF para matakasan ang paghuli sa kanila.

“This information that needs to be validated,” pahayag ni Singian.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Singian na siyang deputy director for operations ng Philippine National Police-Criminal Investigationa and Detection Group (CIDG) na inaalam na rin nila na ilan sa mga suspect sa masaker ay sumali na rin sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, ang MILF breakaway group.

Inihalimbawa ni Singian, ang insidente noong nakaraang Agosto. Isa sa suspect sa 2009 massacre na si P01 Abbey Guiadem, ang napatay matapos ang engkuwentro sa pagitan ng MILF’s 105th at ang 106th Base Command sa Sulatan Kudarat sa Barongis town sa Maguindanao.

Sinabi rin ni Singian na hindi sila makagkasa ng pagtugis at pasukin ang teritoryo ng MILF dahil malalagay sa alanganin ang itinutulak na usaping pang-kapayapaan ng gobyerno.

Sinabi naman ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu, na ang asawa ay isa sa mga biktima, na nakatanggap siya ng impormasyon na ang mga suspect ay nakikitang pagala-gala sa munisipalidad ng Mamasapano, Datu Saudi Ampatuan at Shariff Aguak.

Sa 195 na suspects na nasa charge sheet ng Quezon City Regional Trial Court, 103 na ang naaresto.

Tatlong taon na ang nakaraan simula ng maganap ang Maguindanao massacre  na ikinamatay ng 58 sibilyan kabilang ang mahigit sa 30 miyembro ng Fourth Estate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply