Natutulog na lalaki grabe sa ligaw na bala

dead1

AGAW-BUHAY ang isang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala habang natutulog sa loob ng kanilang bahay Linggo ng madaling-araw sa Pasay.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Cruzin, 56, ng M. Dela Cruz St., ng nabanggit na lungsod na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng mukha buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ayon kay SPO3 Ronald Frades ng Station Investigation and Detective Management Bureau (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-2:00 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nakahiga na si Cruzin kasama si Felix Garcia ng makarinig  ng putok ng baril sa labas ng bahay.

Makalipas ang ilang segundo ay nakarinig ito  ng malakas na kalabog sa bubungan.

Biglang bumalikwas ang biktima na noon ay duguan na bago nagkikisay sa tindi ng sakit.

Agad namang dinala sa Pasay City General Hospital si Cruzin.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino ang responsable sa pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply