Nawalan ng boses, concert ni Regine ‘di tinapos

regine-velasquez

DAHIL na mawalan ng boses ang tinaguriang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez ay minabuti na ihinto ang concert nito sa The Arena, kagabi.

Ayon sa tsikang sumi-circulate sa internet, nakararanas ngayon ng viral infection ang misis ni Ogie Alcasid.

Balitang emotional kagabi si Regine, siyempre marahil para sa kanyang mga fans na talaga namang inabangan ang kanyang concert para sa kanyang silver anniversary sa industriya.

Nangako naman ni Regine sa kanyang fas na babawi siya at sinabing uulitin ang libre n’yang concert.

Pagkatapos nito, balitang pinuri ng mga fans ang Song Bird dahil sa ipinakitang professionalism. Kahit hindi tinapos, pinili niyang ituloy ang concert kahit na may iniinda siyang sakit.

Samantala, ilan sa mga nag-perform sa kanyang concert ay sina Janno Gibbs, Lani Misalucha at ang kanyang mister.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply