NBI exec Ragos itinalagang OIC ng BuCor

rafael-ragos

ITINALAGA ngayon ni Justice Secretary Leila de Lima si National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director for Comptroller Services Rafael Z. Ragos bilang officer in charge ng Bureau of Corrections (BuCor), kapalit ni Manuel Co, kasalukuyang administrador ng Board of Pardons and Parole.

Kasunod ito nang naganap na pagsabog ng granada sa bakuran ng ahensiya nitong nagdaang Biyernes, Nobyembre 16, 2012 .

“I am very grateful and appreciative of all the hard work and sacrifices of Administrator Manny Co while he served as OIC of the BuCor,” ani De Lima sa panayam ng media

Aminado ang kalihim na mahirap na trabaho ang maatangan na mangasiwa sa isang ahensiya.

“It is not an easy job to head one agency and it is that much more daunting to head two agencies simultaneously, especially when one of them comes with tremendous challenges like the magnitude of those that accompany the post of OIC-BuCor Director,” sabi ng kalihim.

Matatandaan na noong Agosto 22 lamang itinalaga si Co bilang OIC ng BuCor matapos na magsumite ng indefinite leave si Director Gaudencio Pangilinan kasunod nang pagdukot sa convicted murderer na si Rolito Go.

Batay sa nilagdaang Department Order ng kalihim, pangangasiwaan ni Ragos ang BuCor subalit hindi kasama sa kanyang tungkulin ang policy making decisions, mag-apruba sa mga kontrata at magparusa sa mga nagkakamaling kawani.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply