NBI: Sumukong teller ng Aman, gagawing testigo

POSIBLE umanong gawing testigo ang teller ng Aman Futures Group Phil.Inc. na sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation.

Si Maria Donna Coyme ay lumantad sa NBI matapos na pumutok ang pyramiding scam kung saan nasangkot ang kanyang pangalan.

Sa kanyang pahayag, isiniwalat nito ang nalalaman niya sa operasyon ng nasabing kompanya kung saan umabot sa P12 bilyon ang nakuha mula sa mga investors.

Ayon sa NBI, si Coyme ay posibleng gamitin bilang testigo laban sa Aman Futures Group sa kanilang isasagawang imbestigasyon.

Sinabi ni Coyme na gusto niyang linawin ang umano’y naging partisipasyon nito sa scam dahil inaakusahan itong ng syndicated estafa.

Ibinunyag din ni Coyme na ang ilang mga pulitiko na nag-invest at sinasabing sangkot sa phyramiding scam kabilang na dito ang mayor ng Pagadian.

Napag-alaman na libu-libong investors na ang nagrereklamo sa tanggapan ng Department of Justice at NBI at nagbabasakaling mahabol pa ang kanilang inilagak na pera sa kumpanya.

Sa ngayon, tinutugis pa rin ang may-ari ng kumpanya na si Manuel Amalilio na nadiskubreng nasa Malaysia na.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply