NBP grenade blast iimbestigahan din ng Muntinlupa police

NBP

HINDI umano maaaring ipagsawalang bahala ng Muntinlupa police ang insidente ng paghahagis ng granada sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) na ikinasugat ng anim na preso noong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Police Senior Superintentent Conrad Capa, hepe ng Muntinlupa police, muli niyang inatasan si Muntinlupa police investigation chief, Police Chief Inspector Conrad Bunye, upang alamin ang resulta ng imbestigasyon ng kanilang counterpart sa Bureau of Correction (BuCor) sa NBP.

Hangga’t hindi aniya nalilinawan kung sino talaga ang target sa insidente at kung sino ang nasa likod ng paghahagis ng granada ay hindi nila maisasara ang kaso.

Bagama’t nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Justice (DOJ) ang BuCor at nasa ilalim nito ang mga nangyayari sa NBP, nasa hurisdiksyon ng Muntinlupa police ang bilangguan kaya’t kailangan din nilang malaman kung ano ang kahihinatnan ng nasabing kaso.

Una nang inalis ang anggulong gang war ng pulisya sa insidente matapos na ma-review sa kuha sa CCTV na matapos ang pagsabog ay hindi naman ito sinundan ng matinding gantihan sa pagitan ng mga gang na nakapiit sa maximum security compound ng NBP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply