NCAA volleyball: Cardinals lumuhod sa Altas

altas

NILAMPASO pareho ng men’s at women’s champion University of Perpetual Help Altas ang Mapua Cardinals upang itarak ang unang panalo sa pagbubukas NCAA season 88 volleyball tournament sa San Juan Arena kahapon.

Dinurog ng Altas ang Cardinals, 25-15, 25-19, 25-9 habang wala ring awang ginapi ng Lady Altas ang Lady Cardinals, 25-3, 25-14, 25-4.

Humataw ng walong kills at tatlong blocks upang ilista ni Honey Rose Tubino ang 13 points habang hindi naman nagpadaig si reigning MVP Sandra Delos Santos na umambag ng 12 markers.

Samantala, nagwagi rin ang San Sebastian College kontra San Beda College, 27-25, 25-19, 25-19.

Ginabayan ng nagbabalik na setter na si Bamcie Belen ang Stags na umarangkada ng limang puntos subalit ang pinakaimportante ay ang pagbibigay ng magandang sets sa mga kakampi na naging sanhi ng magandang takbo ng opensa ng San Sebastian.

Nanalo rin sa unang araw ang Staglets sa straight sets kontra Red Cubs, 25-15, 25-19, 25-23, sa likod ng 14 points ni Jan Ronato habang sinagpang ng Lions ang Stags, 25-11, 25-23, 25-19.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply