NCR police chief, umalma vs convenience store robberies

espina2

MATAPOS ang dalawang magkasunod na convenience store robbery, pinagalaw kaninang umaga ang puwersa ng Metro Manila police para makipag-koordinasyon sa mga business establishments.

Sinabi ni Metro Manila police head Chief Superintendent Leonardo Espina na ipinalabas niya ang direktiba kahit na mayroon na silang sinusundan na lead sa panghoholdap sa 7-11 convenience store sa Quezon City na ikinamatay ng bantay na isang security guard.

“Sinabihan ko ang mga district director, ang financial establishment igtingan ang patrolya, baka ito pinupuntirya. And at the same time coordinate sa financial establishment to immediately inform us kung may mangyari,” pahayag ni Espina.

Nitong nakaraang Linggo, sinalakay ang dalawang sangay ng 7-11 convenience store sa Quezon City at sa Manila’s Tondo district.

Binaril at napatay ang isang security guard sa Q.C. nang tumanggi itong ibigay ang kanyang baril na hinihingi ng isa sa dalawang suspect.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Espina na walang koneksyon sa suspect sa Manila at sa at Quezon City robberies.

Sa kabilang dako, sinabi ni Espina na hinabilin na niya sa mga establishment owners na ipaalam agad sa kapulisan kung may nangyayaring krimen sa kanilang lugar.

“Kung may nagpapatrolya in that vicinity but the commotion inside is not apparent, kung hindi naimpormahan ang malapit na nagpapatrolya, there’s no way we’ll know there’s something happening inside,” pahayag pa nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply