Negosyante at customs broker, kinasuhan sa DOJ

DAHIL sa iligal na importasyon ng 25 na 20 footer conatainer vans na float glass mula China na nagkakahalaga ng P30 milyon, kinasuhan ng Bureau of Customs sa Department of Justice ang  isang negosyante at customs broker.

Ipinagharap ng kasong paglabag sa Tariffs and Customs Code of the Philippines sina CSB Import and Export Owner Sanshane Barita ng Mandaue, Cebu at Customs broker Diorito Alberca.

Sa record, lumalabas na dumating sa Port of Davao noong Setyembre 14,2012 ang nasabing mga kontrabando na una nang idineklarang Victor Clear Glass.

Ayon sa BoC, ang nasabing kompanya ay umiwas na magbayad ng tamang buwis na umaabot sa mahigit P6 milyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply