Negosyante dedo sa pananambang

crime6

TIGOK ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng apat na kalalakihan sa tapat ng isang bulaluhan sa Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si John Villagracia,39, may-asawa, businessman ng Alph St., Commonwealth Avenue, Brgy. Holy Spirit, QC.

Si Villagracia ay nasawi habang ginagamot sa Gen. Malvar General Hospital dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa katawan.

Nadamay naman at nagtamo ng sugat si Godofredo Lacson, 35, binata, cook ng 16 B.F Road, Brgy.Holy Spirit, QC. Si Lacson ay ginagamot na ngayon sa naturang ospital.

Ayon kay PO1 Jayson Tolentino ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente dakong 3:00 ng madaling araw sa tapat ng Renz Pares Pares at Bulaluhan sa nasabing lugar.

Sinabi sa ulat na kababa lamang ni Villagracia sa kanyang kotse at bibili sana sa naturang establisimyento nang ratratin ng apat na hindi pa nakikilalang kalalakihan na naka-helmet.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga awtoridad para matukoy ang mga suspek sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply