Negosyante huli sa investment scam sa Taguig

INARESTO ang isang babaeng negosyante sa Taguig City dahil sa panggogoyo sa mahigt 300 katao sa kanyang double your money scheme na katulad ng sa Aman Investments.

Kinilala ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang suspek na si Imelda Lomido, alyas Labadia.

Si Labadia ay inaresto sa kanyang tahanan na nagsisilbi ring opisina kung saan niya isinasagawa ang pakikipagtransaksyon sa kanyang mga biktima, na karamihan ay mga saleslady, overseas workers at mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay NBI Special Investigator Gary Ruiz, ginamit ni Lomido ang kanyang husay sa pambobola upang makumbinsi ang kanyang mga biktima na mag-invest sa kanyang kumpanya subalit nabigong ibigay sa mga ito ang ipinangakong interes ng kanilang mga pera na umaabot sa 10% hanggang 60%. Karamihan ay nag-invest ng P30,000 at pinakamalaki ay umaabot ng P1.3 milyon.

Nang tanungin si Lomido tungkol sa mga reklamo sa kanya ay sinabi nito na marami pa nga ang nagpapasalamat sa kanya dahil nakapagpatayo sila ng bahay dahil sa kanyang kumpanya at kung anu-anu pang benepisyo sa pag-invest sa suspek.

Wala namang masabi ang ilang biktima na ayaw magpakilala kundi wala na silang magagawa kung naloko sila basta ang mahalaga ay nahuli na at maparusahan ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply