Negosyante niratrat, tigbak sa Pasay

TODAS ang isang negosyante habang sugatan ang dalawang kasama nito nang ratratin ang sinasakyan nilang van sa lungsod ng Pasay, Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat sa radyo, kinilala ang nasawing biktima na si Efren Albaw, negosyante ng manok.

Sa ulat sa radyo, ngayong umaga, pinaulanan ng bala ng tatlong nakasakay sa motorsiklo ang nakaparadang L-300 van na kinalululanan ng mga biktima.

Naisugod pa sa ospital si Efren Albao pero idineklara ring dead-on-arrival habang sugatan ang mga kasama nitong sina Reniel Ecleto at Lodigario Albao.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply