Negosyante todas sa riding-in-tandem

NIRATRAT ng riding-in-tandem ang isang negosyanteng Filipino Chinese makaraang tumangging ibigay ang kanyang mga alahas sa Sta.Mesa, Maynila, kaninang umaga.

Nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan si Leonardo Chua, ng Raya Junction Balzain Pengue, Tunguegarao City, Cagayan at pansamantalang nanunuluyan sa isang kamag-anak sa Aliw-iw St., Sta.Mesa, Maynila.

Sa report ni PO3 Henry Navarro, dakong alas-7:15 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Aliw-Iw St, sa Sta.Mesa, Maynila.

Nabatid na dinikitan ng mga uspek sakay ng kulay pula at itim na motorsiklo ang Nissan patrol (kulay pula, plakang BCT 678) ng biktima.

Bumaba ang backride ng motorsiklo, at habang hinoholdap ang biktima ay humarang ang isa pang suspek sa harapan ng sasakyan ni Chua.

Nang tumanggi si Chua na ibigay ang mga alahas ay dito na siya pinaulanan ng bala ng mga suspek.

Agad na tumakas ang mga suspek tangay ang mga alahas ng biktima na nagkakahalaga ng P90,000.

Hiniling naman ng asawa ng biktima sa MPD na sa ilipat na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga sa kaso dahil mayroon umanong kamag-anak ang biktima sa nasabing ahensya.

Ayon kay Navarro, naisugod pa sa Lourders Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply