Negros Occidental niyanig ng 5.8 intensity na lindol

NIYANIG ng intensity 5.8 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidenteal, ayon sa ulat ng pulsiya .

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismogy (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol sa 26 kilometro hilagang-kanluran ng Cauayan, Negros Occidental.

May lalim na 10 kilometro ang lindol, na tectonic in origin.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Binalbagan, Hinobaan at Hinigiran, Negros Occidental habang Intensity IV ang naramdaman sa Sigma, Capiz; at sa Alimodian, Iloilo.

Intensity 3 naman ang naramdaman sa Kalibo habang Intensity II ang naramdaman sa San Jose, Antique.

Patuloy pang kinakalap ng PHIVOLCS kung may pinsalang naidulot ang pagyanig

Ayon kay PNP Regional Director P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naramdaman ang pagyanig ilang minuto pa lamang na nakalilipas sa Cuayan Negros Occ.

Wala pang inulat na casualty or damages bunsod ng nasabing pagyanig.

Kaugnay nito, inalerto ni Cruz ang lahat ng yunit ng PNP sa mga apektadong lugar na maging alisto sa mga posibleng after shocks.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply