Negros Occidental niyanig ng magnitude 4 na lindol

NAGHARI ang pangamba sa mga residente nang ugain ng magnitude 4 na lindol ang Negors Occidental, kaninang madaling araw..

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-2:52 ng madaling araw kanina nang maramdaman ang lindol na tectonic in origin. Naitala ito may tatlong kilometro (km) ang layo sa timog-silangan ng bayan ng Hinoba-an.

Naitala ng Phivolcs ang pag-uga sa lalim na 50 km at naramdaman pa sa intensity IV sa naturang bayan, habang intensity III naman sa Bayawan, Negros Oriental at Sipalay City.

Wala namang naiulat na namatay, nasugatan o pinsala sa lindol.

Wala ring inaasahang aftershocks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply