Nets lumusot sa OT

HALOS magwala sa saya ang mga fans matapos talunin ng Brooklyn Nets ang New York Knicks, 96-89 sa overtime period kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Bukod kina Brook Lopez at Deron Williams, kumuha rin ng lakas ang Nets sa mga fans upang saluhan ang Knicks sa top spot ng Atlantic division tangan ang 9-4 win-loss card.

”It was absolutely fantastic. It was a great game for the fans,” anang Nets center Lopez. ”Having two great teams in New York, the fans are in the best position of all.”

Bumira si Lopez ng 22 puntos at 11 rebounds habang ang All-Star member na si Williams ay nag-ambag ng 16 points. 14 assists at anim na boards.

Hindi naman sumapat ang kinamada ni Knicks star player Carmelo Anthony dahil tanging si Tyson Chandler lang ang naka-double-digit points para sa New York.

”They’re across the bridge. They’re here in Brooklyn. We’re in the city. They’re in the same division, the same sports town. I guess you can say this started something,” wika ni Anthony.

Tumarak si Anthony ng 35 puntos at 13 rebounds habang si Chandler ay may nalistang 28 puntos at 10 rebounds.

Isa sa mga inaasahan ni Anthony na makakatuwang niya sa opensa ay si Raymond Felton kaya lang ay inalat naman.

Nakalikom lang si Felton ng walong puntos kasama ang 3-of-19 sa field goal.

”I’m upset at myself. I had a bad shooting night,” sabi ni Felton. ”I’m probably just as mad as any fan, any player, anybody you could think about.”

Samantala, ginilitan ng Milwaukee Bucks ang Chicago Bulls, 93-92 habang dikitan din ang laban ng Utah Jazz at Denver Nuggets matapos ang 105-103 panalo ng una.

Sa ibang NBA results, nanaig ang Memphis Grizzlies sa Cleveland Cavaliers, 84-78 habang lalong binaon ng San Antonio Spurs ang Washington Wizards, 118-92.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply